Once upon a time... Sa isang malayong probinsya, merong isang maliit na baryo.
May malaking probema ‘tong baryo na ‘to. Wala silang mapagkunan ng tubig.
Ang pwede lang nilang pagkunan ng tubig ay yung malayong ilog na nasa tuktok ng bundok.
Kaylangan nila ng solusyon. Handa silang magbayad ng pera sa taong makakagawa at makakaisip ng paraan sa problema nila sa tubig.
May dalawang nag-volunteer para solusyunan itong problema na ‘to ...si Pablo at si Bruno.
Halos magkapareho itong si Pablo at Bruno.
Pareho silang matyaga. Pareho silang masipag. At pareho din silang may mataas ang ambisyon sa buhay.
Pero magkaiba sila ng diskarte.
Si Bruno ang ginawa n’ya, araw-araw s’yang umaakyat ng bundok.
Araw-araw s’yang nagi-igib ng tubog galing sa ilog.
Binabayaran s’ya ng mga taga baryo sa bawat timba na nadadala nya.
Masaya si Bruno dahil kumikita na s’ya ng malaking pera.
Ang naisip n’ya, pag tinuloy-tuloy n’ya ‘tong bagong trabaho n’ya, makukuha n’ya lahat ng mga pangarap n’ya.
Naisip din n’ya na mas lakihan ‘yung timba n’ya para mas lumaki yung kinikita n’ya.
Si Pablo naman, biglang naglaho at hindi na nagparamdam.
Akala nga ng iba nag-quit na s’ya.
Pero hindi alam ng lahat may plano palang malupit ‘tong si Pablo.
Ang diskarte n’ya, gagawa s’ya ng isang malaking tubo.
Iko-konekta n’ya yung tubo na yun mula sa ilog papunta sa baryo.
Yung tubo na yun ang gagamitin n’ya para makapag-deliver ng tubig sa baryo.
Kapag nagawa n’ya ‘to, hindi n’ya kaylangang magigib ng tubig tulad ni Bruno.
Mas marami din s’yang tubig na mabibigay sa buong baryo.
Mas malaki ang perang kikitain n’ya.
Kaso nga lang hindi madali ‘tong naisip ni Pablo.
Ilang taon ang kakaylanganin para magawa yung plano na ‘yun.
Ilang araw, buwan at taon ang ginugol ni Pablo.
Araw-araw s’yang naghukay ng lupa para matayo ‘yung tubo n’ya.
Yung ibang taga baryo pinagtatawanan s’ya. Hindi nila maintindihan ‘yung ginagawa ni Pablo.
Si Bruno naman, araw-araw pa din kumikita sa pagiigib ng tubig..
Kahit na medyo malayo yung ilog at nakakapagod ang pagakyat sa bundok, OK lang.
Madami naman s’yang pera at nakabili na din s’ya ng sariling bahay galing sa mga kinikita n’ya.
Pagtapos n’yang magigib ng tubig, naglilibang s’ya sa isang bar sa baryo nila.
Ang hindi n’ya napansin, unti-unti ng bumibigay ang katawan at kalusugan n’ya dahil sa pagbubuhat ng tubig at sa pagakyat sa bundok araw-araw.
Tapos dumating yung araw na pinaka hihintay ni Pablo.
Nakumpleto at natapos n’ya na ang kanyang mahiwagang tubo.
Tinawag n’ya lahat ng taga-baryo.
Sinabi n’ya sa lahat na ready na s’yang mag-deliver ng tubig sa lahat.
Binuksan n’ya yung gripo. Tuloy-tuloy na umagos ang tubig mula sa tubong ginawa n’ya.
Tuwang-tuwa lahat ng mga taga baryo.
Dahil ngayon kahit gabi o umaga ay meron na silang makukunan ng tubig. 24 / 7 na ang water supply nila.
Ang maganda, mas malinis at mas mura ang tubig ni Pablo.
Tuloy-tuloy ang pagkita ng pera ni Pablo.
Kahit hindi s’ya nagtatrabaho kumikita pa din s’ya ng pera galing sa tubong ginawa n’ya.